Break Time

Habang nakaupo sa harap ng aking computer, nais kong damhin ang ginhawa ng break time ko.
Hindi dahil pagod ako sapagkat kagagaling ko lang sa Baguio para magpahinga…
Subalit ako’y tila kinakausap ng maliit na tinig na nagsasabing

“Hinto, at makinig”
Tila may sinasabi na napakalinaw sa aking pandinig.
“Hinto at makinig”

Panginoon, alam ko po may kailangan gawin at kailangan tapusin…

At ang mariin na sagot…

“HINTO. at makinig.”

Ano kaya ang nais nyang ipakita at sabihin?

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.