Kabaliktaran
11 Ago 2008 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?, kayamanan
Tuwing mayroong akong isang hangarin na nais makamit, kabaliktaran ang aking sinasapit. Kadalasan ay aking kagagawan, o kung di naman, ewan. katulad nang nakaraan kong paksa sa kayamanan, kahapon lang lumustay ako sa isang labasan. Pero sa sobrang pagod ko naman kasi, parang ito nalang ung kaligayahan ko kaya ayun, di ako nagpaawat, ginawa ko ang aking kahibangan at adiksyon. hehe at lumabas naman ako na masaya, wala na nga lang pera. Di ko sasabihin kung anong ginawa ko, bahala na kayo mag-isip. haha.
Ang dami kong dapat tapusin, sabi ko ito’y aking sisimulan na gawin, pero ngayon ako ay windang parin sapagkat di ko nagawa alin man sa akin ay bilin.
Tapos kahapon, may nakausap akong isang ababe, aba’t akalain mong pinagmamasdan pala nya ako sa bawat galaw ko. At ayun halata daw ako. Ni hindi ko nga sya kaclose o matagal na kakilala, kung kelan ko pa sinabi sa aking sarili na di na talaga, saka pa sasabihing halatang halata.
Hay. basta isang realisasyon ang aking bagong natuklasan, ako’y isang babae- tuwiran. Tunay na lumabas yan kahapon sa aking kakikayan, walang aangal yan ang katotohanan.
NAKO. HALATA BA?
Kayamanan
09 Ago 2008 Mag-iwan ng Puna
in kayamanan, pagtitiwala
Mag-ipon ka, kayamanan sa langit
Tayo ay sumunod kay Hesus
Ibigay mo sa mga mahihirap
Kayamanan sa mundo
Ito ay isang lumang awit na maaaring una kong napakinggan nang ako ay nasa elementarya pa.
Napakaganda nga naman ang mensahe nito, sapagkat isang katotohanan na ang bawat tao ay naghahangad na magkaroon ng maraming kayamanan dito sa mundo, ngunit sa iyong pagpunta sa kabilang ibayo, madadala mo ba ang kayamanang dito sa lupa’y naipon mo? Kung kaya’t isang ginintuang payo ang mag-ipon ng kayamanan sa langit, ang isang buhay na may pagkatakot sa ating Maykapal, at pagsunod sa kanya ng buong puso- pag-abot ng mga kaluluwa ay isang kayamanang sa langit ay maiipon mo.
Sa kabilang banda isang usapin din naman ang pagiging mabuting katiwala ng ating mga kayamanan dito sa lupa. Malaki o maliit, paano mo ito ginagamit. Aminado ako na hindi ako mayaman, ngunit hindi mo din naman makikita sa akin ang isang pamumuhay na parang wala; ibig sabihin, sinisikap kong makuha ang mga bagay na aking minimithi. Kalahating porsiyento ng aking pera ay masasabi kong napupunta sa pagkain. Handa akong gumasta kung ako’y dadalhin mo sa isang lugar na mahal ang pagkain, basta kasama ang mga kaibigan at ito ang aking hiling. Wala namang masama dito kung tutuusin, ngunit sa bawat pagbili ko ng kape, bawat bili ko ng mahal na sorbetes, nanatiling realidad na ang ilan sa aking mga kapatiran ay nagugutom o naghihirap, at ang katotohanan, ang presyo ng isang beses ko sa kainan, ay presyo ng kanilang pinagkakakitaan sa isang araw, para sa kanilang pangkabuhayan. Masakit isipin hindi ba?
Kagabi, kinausap ako minsan pa ng isang kaibigan. At pinaalala nya “muli” sa akin ang isang importanteng bagay kung ating susumahin…
“Jana, tatandaan mo, mag-ipon ka. Matapos mo maitabi ang para sa Panginoon, magtabi ka ng pera mo. Maiintindihan mo din ang sinasabi ko. Naiintindihan mo ba? Wag mo kakalimutan ha…”
Hindi ko babalewalain ang magandang payo na iyon mula sa isang kuya, at sa kabilang banda, patuloy kong sisikapin ding mag-ipon ng kayamanan sa langit, at ibahagi ang aking kayamanan sa mga kapatiran habang nandito sa mundo.
Mahirap, pero kaya natin ito