Bigo
18 Set 2008 Mga Puna
in kabiguan, kangaragan, pagtitiwala
Isa akong bigo.
Yun na yun.
Hindi ko makamtan ang mga pangarap ko sa loob ng tatlong buwan.
Kelangan ko ng biyaya sa pagkakataon na ito.
Ayoko din naman tanggapin ang mapait na katotohanan na iyon.
Di pa naman isinisigaw sa mukha ko ang kabiguan na ito.
Pero parang nais ko nang unahan ang mga susunod na kabanata.
Kinikinita ko na ang maaaring kahinatnan.
O maaring mali ako dahil habang may buhay, may pag-asa.
Mga tropa, malungkot ako sa puntong ito.
Kahit ganito lang ako gusto ko rin naman lumipad ng matayog.
Pero sadyang ambisyosa ako dahil hindi ata talaga pwede lahat nasa akin.
Isa isa lang ika nga.
Hay. Biyaya po Panginoon.
Yan lang ang bubuhay sa akin.
Wala akong maipagmamalaki.
Ni hindi ko rin lantarang masabi ang kinasasadlakan ng aking munting kalagayan.
Tulad ng Dati
19 Ago 2008 Mag-iwan ng Puna
in kangaragan
Adik. nagpahinga ako noong nakaraang Linggo. Ngayon, Di ko na mababago sa sistema ko na kapag nangangarag na ako, haharap ako sa computer para gumawa ng post sa aking blog katulad ng mismong ginagawa ko ngayon. Totoo ang buhay ko, at nagpaparamdam na sya, hinahabol nya ako kasi eto na, patong patong na. Sa susunod na linggo ay magpapasa ako ng tinatawag na annotated bibliography patungkol sa isang paksa sa Theolohiya, 6 na pahina. Magpapasa ako ng Exegesis paper ko para sa Isaiah 9, 3 pahina. May Midterm exam ako sa Pentateuch na nuknukan ng hirap (basahin nyo pa ung mga tanong na binigay para sa study guide) Di naman yun lahat kasama sa pagsusulit, pero dun mangagaling ang tanong. bang daming tanong. tapos baka lima lang talaga sa araw na yun ang itatanong? may isa pa akong pagsusulit na ipapasa bukas. dalawang sanaysay na dapat ipasa, isang papel para sa buod ng ministeryo ko, isang pangyayari na dapat ibahagi sa isang sanaysay. Ang saya. bago ko yan gawin, ito ang plano, matutulog muna ako. Gigising ng alas nuwebe mamaya para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Tpos, pagkapasok sa trabaho, hanggang alas siyete bukas ng umaga, sabay takbo sa aking 3 oras na klase ng theolohiya. Kapag katapos nun, gagawa ako ng kaya ko hanggang pananghalian. tapos matutulog. Gigising para sa panalanginan ng alas sais pagkatapos ay deretsyo sa trabaho para sa Miyerkules ng gabi. Matatapos ng alas siyete, papasok sa aking klase, atsaka palang mkakagawa ulit ng papel. aatend ng chapel, tpos gagawa ng papel. tpos manananghalian, tpos aatend ng klase, tpos matutulog. sige gusto mo pa ipagpatuloy ko? hehe ang saya. sige magkita kita tayo ulit kapag natapos ko na…
kelan kaya? ako’y matutulog muna.