Bakit Sila Ganun?
19 Abr 2009 Mga Puna
in kainis
Sad ako. pag isipan ka ba naman ng masama sa ministry mo, na kaya ka lang gumagawa ng ministry ay para sumilay? Masyado namang panghuhusga yan. At higit sa lahat, nagsusumiksik ba ako? Yun pala tingin sa akin. Kung sino man nagsabi nyan, nakakalungkot. Talagang war ito at dirty makipagaway si Satan, iba tactics nya nakakabadtrip. Lord di ko na po papatulan. Iisipin ko nalang na walang nangyari, pero for the record, andito ito. Lord kaw na po bahala sa masasamang puso at dila; di ako magsasalita ng bad sa kanila. Amen.
Halimaw
18 Okt 2008 Mag-iwan ng Puna
in kainis
Tama isa syang Halimaw.
Buti nalang walang nilalang na tulad nung sa Shaider,
ung nagpapalaki ng halimaw.
Sobra na ito.
Di ko na matanggap.
Hoy,
Wag ka na magdrama dyan.
Eh ano naman kung ganito ako?
Di mo ba naisip kung ano ka?
Inis ka din noh?
Twist. Ikot. Gulat. Yamot.
14 Okt 2008 1 Puna
in akalain mo?, kabiguan, kainis
Ayoko na sana manibago kasi palagi nalang.
May lalapit at ang loka ay sasaya naman.
Magugulat nalang na ang isa pang kaibigan pala ang tunay na pakay-
At maiiwang nagtatanong ano nanaman ang aking kinahinatnan.
PANAKIP BUTAS. BOW.
Gigil
02 Set 2008 Mag-iwan ng Puna
in kainis
Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito, tipong kelangan ko pang magsulat dito para lang maibsan ang tindi ng nararamdaman ko. Gusto kong sumuntok ng tao. este, gusto kong suntukin yung tao. Nakita ko na sa isip ko na kapag nakita ko siya sa sobrang gigil ko susuntukin ko sya tipong magdurugo yung mga buto ko sa kamay dahil nabasag ko yung mukha nya.
Sobrang biolente ba ako. Sobrang naiinis ako. At ito yung ibig sabihin nang natamaan ang “ego.” Ang unang gagawin nito ay gumanti sa nakasakit sa kanya at ganyan ang nararamdaman ko. Gusto ko syang bulyawan at sigawan at pang-gigilan pero ano bang ginawa ko? Sabi ko sorry.
Kainis! diba?
Ang tinuturo ng mundong ito ay di ka dapat magpatalo, di dapat magpahuli, di dapat hayaang maunahan ka o ma-agrabyado. Naiinis ako kasi walang karapatan ang tao na ito na saktan ako. Wala siyang ginawang mas mainam kesa sa ginawa ko. Yan ang pangalawang nakakainis na bagay, kelangan ko bang ikumpara ang sarili ko? Dapat ba na tignan ko ang sarili ko na mas magaling kesa sa taong ito? Ang sagot ay isang malaking hindi. Kaya para sa aking puso, ibsan mo ang sakit at gigil na nararamdaman mo kasi walang mapapala. Di naman iinam ang sitwasyon kung bubulyawan mo sya o sasaktan. Di ito iinam… di ito iinam.
Iiyak nalang ata ako sa sobrang inis at gigil.