Nakakatuwang mga Pangyayari
02 Peb 2010 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?, kabiguan, pag-ibig
Isa sa mga laging nangyayari sa aking buhay ay ang makasaksi ng di inaasahang pangyayari sa larangan ng pag-ibig. Katulad ng paghanga sa isang lalaki na akala mong may gusto sa yo. Dadalhin ka nya sa isang pagkaunawa na ang lahat ng ginagawa nya ay senyales ng isang paghanga rin sayo, at sa bandang huli ay magugulat ka nalang na ang attensyong ipinapakita nya ay dahil sa ang gusto nya ay ang kaibigan mo, o kamaganak mo. Isa pang uri ng nakakatuwang pangyayari ay ang magulat ka na lamang na may jowa na sya. hahaha.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa nalang kasi sa dami dami ng tao sa mundo bakit sa akin ito palagi nangyayari. Siguro sadyang feelingera lang ako. Kasi hindi naman mahirap mapansin na lahat ng lalake, ang turing sa akin ay kapwa lalaki. haha. Kadalasan, kasama ko ang mga lalake at malaya silang kumilos na wari hindi babae ang kasama nila. Kung kayat kapag ang isang lalaki ay nagpakita na kakaibang attensyon sa akin, masyado itong madaling mapansin. Lalo na’t samahan mo pa ng mga mapalabok na pananalita at papansin na mga kilos, mga pari-parinig. ganun.
Ewan ko, sa ngayon, di na muna ako naniniwala sa pag-ibig na yan hanggat di ko pa talaga sya nararanasan ng wagas. Haha.
Pebrero na kasi ayan tuloy emotera nanaman ako. :p
Bagong Pahina
27 Ago 2009 Mag-iwan ng Puna
Mahigit isang buwan nadin ang nagdaan mula nang nagsulat ako dito. Masyadong madaming ginagawa ngayon, kahit na hindi na ako nagtatrabaho. Masaya padin naman ang buhay, pero syempre, di maiiwasan na sabihin minsan: “mas magiging mas masaya sana kung ganyan… o ganito…”
Ngayon araw na ito… nagkaron na ako na kaisipan na sumali sa isang grupo na nais manatiling nag-iisa. Ibig sabihin… ang di na mag-asawa. Ang aking katwiran kasi: bakit ka pa mag-aasawa kung ung gusto mo ay di mo mapapangasawa? hehe. Pasensya naman, tapat ako eh. Kahit mukhang hindi. hehe.
Pero syempre nasabi ko lang yun dala ng hindi ko maisaysay na pakiramdam. Naroon pa ako sa puntong di pa nasasaktan o di pa naapektuhan masyado. Ika nga eh, “PA. PA for Paki ko.” O baka nga nagtagumpay na ako sa paglisan sa mundong puno nang pag-aasam. Isang dekadang puno ng tamis na ako lang ang nakababatid. Isang dekadang nuknukan ng illusyon kung susuriin.
Dalawang bagay ang kelangan kong magawa. Mapatawad ang nakaraan, at tignan ng walang takot ang hinaharap. Mahirap yan, sapagkat sa tulad kong di plastik… di ako makikipagngisngisan o makikiswitswitan kung ikaw ay isang malaking hadlang. bow.
Pero napagtanto ko, na sayang naman ang talino at ganda ko, (Pagbigyan nyo na ko. Moment ko ito) para hindi ito maipasa sa mga salin lahi. Hehe. May mas mainam pa naman na makikita dyan na syang magiging wagas na pag-ibig. Naks.
Kung nauunawaan mo ang alinman sa mga pinagsasasabi ko dito. Ito ay isa nang nakaraan. Kaya katulad ng gawain ko, kung saan ako magaling… lilimutin ko ito. At parang walang nangyari. Kaya limutin mo ha. Pero syempre isinulat ko ito dito para kapag ako ay yumao at pinag aralan ang buhay ko… masasabing nagkaroon ako ng isang dekadang pag-ibig. haha. tama na cheesy na.
Sabi nila habang may buhay may pag-asa.
Pero katulad nga sa pelikulang UP… di laging happy ending.
May bagong pahina na dapat buksan at doon mo matatagpuan-
na marami pang pwedeng maging kasagutan.
Labnat
08 Peb 2009 Mag-iwan ng Puna
in kabiguan
Ngayon, siguro nga tatanggapin ko ang mga joke na yan tungkol sa labnat.
Pero totoong nilagnat ako. Pero siguro nga natrigger ng labnat.
Walastek nanahimik ang isip ko bigla ba namang ginulo!
Ayoko na sanang bigyan ng pansin kaso naman kasi itong si Lolo, sinabi pa na mukha ngang si ano ang simpleng pinopormahan “mo”. Sabi ko na nga ba eh. huhu. Ayon, dinibdib ko nanaman, sumakit nanaman ang ulo, heto na, sa loob nalang ng kwarto. Bang lungkot pa kung talagang magkakatotoo ito. Grr.
Happy Valentines nga pala sa inyo.
Sapul!
Malupit na Hiling
10 Nob 2008 Mag-iwan ng Puna
in kabiguan
Masakit man tanggapin pero oo, hindi ako nagtagumpay.
Madami akong rason para dito pero ano pa ang silbi ng pag rarason?
Masakit pakinggan na madami akong taong binigo.
Gusto ko lang naman maging simple yung di masyado napapansin-
kasi napakataas ng hangad ng lahat sa akin.
Wala nga ang tatay ko dito pero kanina, 7 tatay sa pananampalataya ang nangaral sa akin.
Masakit tanggapin na hindi ko nagawa. Ayun nafrustrate sila. Mas nafrustrate pa sila kaysa sa akin.
Tapat naman ako, inaamin ko nga na di ko kinaya.
Heto ang malupet, naniniwala sila na kaya kong bumangon sa pagkakasadlak-
Kaya binigyan nila ako ng gradong dapat abutin sa susunod.
Yun daw yung gradong nababagay sa akin.
Pano kung di ko magawa ulit?
Twist. Ikot. Gulat. Yamot.
14 Okt 2008 1 Puna
in akalain mo?, kabiguan, kainis
Ayoko na sana manibago kasi palagi nalang.
May lalapit at ang loka ay sasaya naman.
Magugulat nalang na ang isa pang kaibigan pala ang tunay na pakay-
At maiiwang nagtatanong ano nanaman ang aking kinahinatnan.
PANAKIP BUTAS. BOW.
Bigo
18 Set 2008 Mga Puna
in kabiguan, kangaragan, pagtitiwala
Isa akong bigo.
Yun na yun.
Hindi ko makamtan ang mga pangarap ko sa loob ng tatlong buwan.
Kelangan ko ng biyaya sa pagkakataon na ito.
Ayoko din naman tanggapin ang mapait na katotohanan na iyon.
Di pa naman isinisigaw sa mukha ko ang kabiguan na ito.
Pero parang nais ko nang unahan ang mga susunod na kabanata.
Kinikinita ko na ang maaaring kahinatnan.
O maaring mali ako dahil habang may buhay, may pag-asa.
Mga tropa, malungkot ako sa puntong ito.
Kahit ganito lang ako gusto ko rin naman lumipad ng matayog.
Pero sadyang ambisyosa ako dahil hindi ata talaga pwede lahat nasa akin.
Isa isa lang ika nga.
Hay. Biyaya po Panginoon.
Yan lang ang bubuhay sa akin.
Wala akong maipagmamalaki.
Ni hindi ko rin lantarang masabi ang kinasasadlakan ng aking munting kalagayan.
Limos sa Pinakamimithing Biyaya
07 Set 2008 Mag-iwan ng Puna
in kabiguan, kapatawaran, malalim
Kadalasan ang ating mga mata ay tumitingin
sa mga taong sa ating pagkilatis ay walang puri.
Di natin namamalayan na walang malaki o maliit na kasalanan.
Lahat ng ito’y pareho lang!
Sa bawat oras na di ko napapagtagumpayan ang tukso
Ako ay ay naninibugho…
Di ko masasabing ako’y nasa isang lugar na mas angat
sa iba na ang kaibahan lang sakin ay-
sila’y lantaran.
Nakakalungkot.
Sapagkat sa bawat kasadlaka’y pader ang dulot.
Pakiramdam ay kakaiba sa paglayo sa Maykapal na ako ang may gawa.
Kung ihahayag natin ang ating mga kasalanan,
siya ay matapat at matuwid na magpapatawad
at maglilinis sa atin sa lahat g ating kalikuan.
1 Juan 1:9
Panginoon. Napapagod ka na ba?
Kasi ako po’y napapagod na.
Paulit-ulit na pagkakamaling
Ipinagpaliban ko ang payong mula sa iyong awa.
Patawad po.
May isang pagkakataon pa po ba?
Pagbabalik-Tanaw
06 Set 2008 Mag-iwan ng Puna
Kelangan kong mapag-isa. bow.
Kelangan kong gumuhit ng bagong obra sa isang paraang hindi madaling magagawa.
Lumilipad ang isip ko sa kawalan, pinupulot ang sari sa karimlan
Malayo ang sinimulan, kelangan balikan, upang lantaran nang matalikdan.
Yun na. Yun na un.
Wala na kong iba pang aantayin o hahanapin.
Kung di ko haharapin ang aking kabuktutan,
Kelan pa sasapitin ang tamis ng katotohanan.
Ngunit di kaila ang pait sa sinapit.
Gumuguhit sa lalamunan ang sakit.
Di ko namimithiin pa na sana’y hindi nalang nangyari.
Sakto lang ang oras ng pananaghili.
Likas. Walang dapat ipagpumiglas.
Maaaring sadyang maramot ang tadhana.
Nakakainis na…
29 Hul 2008 Mag-iwan ng Puna
in kabiguan, pagtitiwala
Kahapon ay isa sa mga araw na hindi ko maipagmamalaki.
Punong puno ako ng dapat gawin at wala akong natapos.
Marami akong gawain na walang kamuang-muang
subalit dahil maraming mga bagay ang nangyayari sa loob ng bente kwatro oras ko araw-araw,
habang nakikisabay ang ulan, at kakulangan ng kayamanan,
kahapon, ako ay isang bigo.
Alas sais ng gabi, magsisimula nanaman ang unang oras ng aking trabaho sa loob ng tatlong oras,
at dahil hindi ko na makaya ang kabigatan ng loob na aking nararamdaman,
ang tulog ang sya kong pag-asa, isang matalik na kaibigan.
Maraming taong nahihirapan kumuha ng tulog
Hindi ako kabilang sa mga taong iyon.
Kahit hindi ako inaantok, kapag sinabi mo sa aking matulog, kaya ko matulog.
Sa pagdampi ng hangin sa aking leeg at ang aking pagod na katawan ay buong buong nagtitiwala sa malambot na kama, ako ay nadadala sa kawalan, isang paglimot, na panandalian…
O maaring pang walang hanggan…
Sino ang makaaalam kung ako ay gigising pa.
Sa aking buhay, napakaraming suliranin
at kapag wala nang mailabas na magandang hangarin ang aking isip
Ang tulog ang syang nakapagpapagaan sa pagod na damdamin.
Kulang ba ako sa pagtitiwala
Maraming beses na ako nasaktan
at patuloy ko nakikita ang kabutihan ng Maykapal
subalit aking nadarama ang bigat
isang realidad ang aking kinakaharap.
Nagpapakatotoo lang ako
Ang tamang sagot ay hindi likas sa aking pagkatao
Ayoko magpakitang tao
Mag-isa ako.
Dagdagan mo pa ng mga tao na hindi nakauunawa sa kinalalagyan ko.
Isama mo pa ang paninisi sa mga decisyon ko, at mga decisyon ng iba na pilit sa akin pinapaako…
Ano ba talaga ang dapat gawin?
Ang aking isip ay tumatalon sa panandaliang aliw…
Mananahimik nalang ako at aangkin ng sisi… pero
Inay, Mabigat na…
Alam ko ikaw din ay nahihirapan na…
Usapang Puso
19 Hul 2008 Mag-iwan ng Puna
in kabiguan
Ito ang pinakamahirap na paksa. Marami akong nais sabihin sa paksang ito pero dahil dumami na ng husto ang mambabasa ko sa mga blog ko na iba, halos lahat pa sa kanila mga misyonero na nag-aalala at nanalangin sa akin, medyo di nadin ako masyado nagsusulat dun ng usapang puso, lalo na ung mga kapalaluan ko, at kaeklatan. Kaya salamat ulit sa bagong blog na ito, na syang makakatamo ng mga frustration na malupit…
Kahit may mga kaibigan ako na nalulungkot dahil wala pa silang jowa, or mga tao sa paligid ko na nahihirapan na kasi gustong gusto na nila magkajowa pero tila ayaw ng tadhana, di naman ako sumasapit pa sa ganung pakiramdam. Sa totoo lang, maaawa ako sa jowa ko kung meron man ako ngayon kasi sa sobrang tindi ng mga ginagawa ko, baka wala nako oras para sa kanya… O kaya sa pagkakakilala ko sa akin, baka masira ang gawain ko kasi mas inuuna ko pa ang relasyon. haha!
Pero, matindi ang frustration ko (anu ba ang tagalog ng frustration?) Alam mu ung meron kang gusto makuha pero di mo makuha. kadalasan kasi, nakukuha ko ang mga inaasam ko, pero sa aspetong ito, medyo takot ako pangunahan ang Panginoon. wala namang masama sa napili kong tao, ang tanong: napili din ba nya ako… haha! kapag iniisip ko ito at ang impossibilidad, naaawa ako sa sarili ko. Natatanong ko pa nga: bakit kasi ako ganito…
Dahil ayoko nang nalulungkot, gusto ko lumimot panandalian… madami akong ginagawa para di ko ito masyado maisip, kaso ang nakakainis, madaming pagkakataon na dumadagdag pa sa mga ala-ala, mga mithiin, mga frustration. Kung pde nga lang sya burahin sa mundo ko kaso kung pde edi dati pa sya nabura… haha! Ay sus, ang tagal na! Sawang sawa na sa akin ang mga katropa ko. Ako din nagsasawa na sa sigaw ng puso ko. Sana nga magkajowa na sya kung wala talaga ako mapapala.
Ang hirap din kasi maging babae. lalo na sa kultura natin at paniniwala. Kung pde lang sana lumapit sa kanya at sabihin: “alam mo, gusto kita matagal na” Aba, eh matagal ko nang nagawa. Kaso, kapalaluan! kahiyahiya… ang nakakinis na parte dun, kahit di ko naman sabihin yun, aba, halata naman daw ako… at tila naiisip nanaman nila na naghahabol ako: HINDI!!!!
Pilit nga akong nagpapakanormal eh, kasi abnormal ata ako… madami mga tao na nananalangin para sa akin at sa aspetong puso… marami pa nagaakala ng mga maling akala, pambihira! SANA NGA!
madami na ata ako nasabi, diba ang bilis lumalabas… bulalas ng pusong pigil na pigil…
sabagay, sabi ko nga, di pa ngayon. kaya di ko muna dapat prinoproblema.
pde na siguro sa susunod na taon. ang tanong: