Buhay Pagbabasa
18 Set 2008 Mag-iwan ng Puna
in hilig
Mukhang hindi pero mahilig ako magbasa.
Ang tanong: ano ba ang aking binabasa?
Sa panahon ngayon,
nauubos ang oras ko sa kababasa ng mga blog ng mga tao.
Kakilala o Hindi,
madami akong nababasa na obra sa loob ng isang araw.
Nakakatuwang malaman ang iba-ibang pananaw
sa buhay ng mga taong lumikha nito,
maging ang mga karanasan na kanilang kinakaharap
sa bawat araw dito sa mundo.
Naalala ko noong bata pa ako,
nasundan ko ang serye ng Sweet Valley Books.
Nagsimula sa Sweet Valley Kids,
tapos Sweet Valley High, at Sweet Valley University.
Nagbabasa din ako noon ng mga comics
tulad ng Betty and Veronica, Archie, at Jughead.
Pupunta ako sa Library
at manghihiram nung mga pambatang kwento
na hindi ko na naalala ngayon.
Yun nga ang problema ko, may selective memory ako.
Kapag natapos ko na basahin yan, akin nang malilimutan.
Ganun din sa mga pelikula, hangga’t di mo yan ipapaalala,
wala na sa aking memorya.
Sa aking pag-aaral, hirap na hirap ako magbasa. Haha.
Parang isa itong pasanin, isang Krus na aking binabata.
Siguro depende din sa aking binabasa,
pero ngayon, nahihirapan ako talaga.
Tipong nagsasawa, at walang gana.
Kanina, umalis ako sa aking dormitoryo at napadpad sa Sta Lucia Mall,
na hindi ko na napuntahan sa matagal na panahon.
Umalis ako dahil ako ay balisa at aligaga.
Gusto ko ng ibang magagawa.
Naglakad lakad ako ngunit wala pading kwenta…
At matapos ang ilang saglit
nakita ko ang sarili ko sa Figaro
na nagbabasa ng nobela. Haha.
Ganun pa din. Nagbabasa.
Hindi pa nakuntento, napunta ko sa National Bookstore
at nakakuha ako ng 3 makapal na libro sa murang halaga.
Pustahan pa tayo matatapos ko ang apat na libro na nobela
bago ang anu pa man sa mga babasahin ko patungkol sa Teolohiya.
Bago mangyari yan, kelangan ko gumawa ng panata.
Ako si Jana, tatapusin ko ang lahat ng aking gawain
ngayong darating na Reading and Research Week.
Pagkatapos nito pupunta ako sa Tagaytay,
magliliwaliw, at sisigaw sa kawalan.
Wish ko lang matuloy ang Tagaytay na yan.
Kasi pag nagplano ako di nasusunod.
Sige Tagaytay magkagulatan nalang tayo.
Lakas tamang trip ang mangyayari nyan.
Wag sanang umulan. Kung uulan, wag nalang.
Hay Busy-busyhan!.
Pano pa ko magkakaron ng Buhay Pag-ibig nyan.
Hay!