Bente Kwatro
16 Ene 2009 Mag-iwan ng Puna
in biyaya, pag-ibig, pagtitiwala
Masaya ako. Alam mo yung saya na hindi mo maipaliwanag?
madami akong ginagawa ngayon kaya masasabi natin na pagod ang lupang katawan pero kung wala lang lupang katawan na iniisip madami pa akong gagawin. Masaya ako.
Una, pakiramdam ko ay isa akong ibon na pinalaya.
Pangalawa, parang bawat hiling ay unti unting nararating
Pangatlo, may mga bagay na mahirap ilathala pero kung ano man yun sana nababasa nyo para sumaya din kayo diba? Hehe.
Malabo padin ako. Ika nga undefined. haha, pero anupaman, masaya ako, at sa pagkakataong ito, alam ko wala akong ginagawang mali.
Dati kasi masaya nga ako pero may mali. Alam mo un.
Kaya heto ang para sa taong ika bente kwatro. Sana tuloy tuloy na ang ligayang taglay ko.
Maligaya ako. di lang nung kaarawan. bow.
Mabuti ang Panginoon at sa kanya lahat ng papuri.
Biyaya
18 Set 2008 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?, biyaya
Panginoon, Salamat po sa magandang balita.
Tunay nga na ikaw ang Diyos na puno ng awa. Amen.
Kapag ba naman pumalya pa ako.
Sasaktan ko na ang sarili ko.