Nakakatuwang mga Pangyayari
02 Peb 2010 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?, kabiguan, pag-ibig
Isa sa mga laging nangyayari sa aking buhay ay ang makasaksi ng di inaasahang pangyayari sa larangan ng pag-ibig. Katulad ng paghanga sa isang lalaki na akala mong may gusto sa yo. Dadalhin ka nya sa isang pagkaunawa na ang lahat ng ginagawa nya ay senyales ng isang paghanga rin sayo, at sa bandang huli ay magugulat ka nalang na ang attensyong ipinapakita nya ay dahil sa ang gusto nya ay ang kaibigan mo, o kamaganak mo. Isa pang uri ng nakakatuwang pangyayari ay ang magulat ka na lamang na may jowa na sya. hahaha.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa nalang kasi sa dami dami ng tao sa mundo bakit sa akin ito palagi nangyayari. Siguro sadyang feelingera lang ako. Kasi hindi naman mahirap mapansin na lahat ng lalake, ang turing sa akin ay kapwa lalaki. haha. Kadalasan, kasama ko ang mga lalake at malaya silang kumilos na wari hindi babae ang kasama nila. Kung kayat kapag ang isang lalaki ay nagpakita na kakaibang attensyon sa akin, masyado itong madaling mapansin. Lalo na’t samahan mo pa ng mga mapalabok na pananalita at papansin na mga kilos, mga pari-parinig. ganun.
Ewan ko, sa ngayon, di na muna ako naniniwala sa pag-ibig na yan hanggat di ko pa talaga sya nararanasan ng wagas. Haha.
Pebrero na kasi ayan tuloy emotera nanaman ako. :p
Twist. Ikot. Gulat. Yamot.
14 Okt 2008 1 Puna
in akalain mo?, kabiguan, kainis
Ayoko na sana manibago kasi palagi nalang.
May lalapit at ang loka ay sasaya naman.
Magugulat nalang na ang isa pang kaibigan pala ang tunay na pakay-
At maiiwang nagtatanong ano nanaman ang aking kinahinatnan.
PANAKIP BUTAS. BOW.
Biyaya
18 Set 2008 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?, biyaya
Panginoon, Salamat po sa magandang balita.
Tunay nga na ikaw ang Diyos na puno ng awa. Amen.
Kapag ba naman pumalya pa ako.
Sasaktan ko na ang sarili ko.
Summa Cum Laude
28 Ago 2008 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?, pag-ibig
Hindi pa ako magtatapos, hindi ko pa din pde makuha yang titulo na yan kasi hindi naman ako nagpapakamartyr para sa parangal na yan. sa kabilang banda, natapos ko ang dapat kong gawin para sa nakaraang linggo. Para akong malinis na papel, magsisimula muling lumikha ng katha, pero yang annotated bibliography na yan, di ko pa talaga nagagawa yan sa tanang buhay ko, at di ko yata makita ang posibilidad na mabasa ang isang libong pahina hanggang bukas. Huli na ulit ako, dapat nung Miyerkules yan e.
gudlak diba?
Hindi patungkol sa pag-aaral ang nakikita nyong titulo ng lathala kong ito. patungkol ito sa pag-aasawa. Kadalasan kong naririnig ang “jackpot ka sa napangasawa mo”, o “tiba-tiba ka kapag yan ang napangasawa mo” pero nitong nakaraang linggo, natawa ako nang ibahagi ng kaibigan ko ang kanyang bagong tuklas… na sa pagpili ng amin umanaong mapapangasawa, dapat ay summa cum laude ang aming kahihinatnan.
Akalain mong may ganun?
Aaminin ko sa inyo na isang malaking isyu sa akin ang taong mapipili kong mapapangasawa. Naiinggit ako sa iba na nagsasabing: “ayan, basta mahal nyo ang isa’t isa sapat na.” Natawa naman din ako sa mga pastor na laging nag-aalala sa akin na dapat umano sa isang relasyon ay may sekswal na paghanga. Mahirap daw na pinipili ko lang ang mga lalaking sa ministeryo ay magaling. Hindi ko daw kaylangan ng asawa kung un ang hanap ko, “assistant pastor” daw ang hanap ko. Pero, importante talaga sa akin na mahal nya ang Panginoon at masipag siya sa kanyang paglilingkod. Hindi ako nagmamalaki sa aking sarili ngunit hanggat maaari, ang lalaking ito nawa ay kasabay ko na uunlad sa aming espiritwal na buhay. Hindi yung tipong may maiiwan sa aming dalawa. Tipong namamayagpag na ang isa, tapos ang kabiyak, napag-iwanan na. Naiintindihan nyo ba ang nais kong tumbukin. Kaya parang mahirap.
Basta Panginoon kayo na po ang bahala.
Ayan, sa iyo bang mapipiling mapapangasawa,
magiging summa cum laude ka?
Kabaliktaran
11 Ago 2008 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?, kayamanan
Tuwing mayroong akong isang hangarin na nais makamit, kabaliktaran ang aking sinasapit. Kadalasan ay aking kagagawan, o kung di naman, ewan. katulad nang nakaraan kong paksa sa kayamanan, kahapon lang lumustay ako sa isang labasan. Pero sa sobrang pagod ko naman kasi, parang ito nalang ung kaligayahan ko kaya ayun, di ako nagpaawat, ginawa ko ang aking kahibangan at adiksyon. hehe at lumabas naman ako na masaya, wala na nga lang pera. Di ko sasabihin kung anong ginawa ko, bahala na kayo mag-isip. haha.
Ang dami kong dapat tapusin, sabi ko ito’y aking sisimulan na gawin, pero ngayon ako ay windang parin sapagkat di ko nagawa alin man sa akin ay bilin.
Tapos kahapon, may nakausap akong isang ababe, aba’t akalain mong pinagmamasdan pala nya ako sa bawat galaw ko. At ayun halata daw ako. Ni hindi ko nga sya kaclose o matagal na kakilala, kung kelan ko pa sinabi sa aking sarili na di na talaga, saka pa sasabihing halatang halata.
Hay. basta isang realisasyon ang aking bagong natuklasan, ako’y isang babae- tuwiran. Tunay na lumabas yan kahapon sa aking kakikayan, walang aangal yan ang katotohanan.
NAKO. HALATA BA?
Walang Magawa
03 Ago 2008 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?
Nakatambay ako ngayon sa isang sulok ng SM Taytay, at habang ginagawa ko ang entry na ito, natatawa ako sapagkat tinatanong ko ang aking sarili bakit wala akong magawa gayong napakadami kong dapat gawin. Dumadating ako sa puntong ito kapag mayroon akong gustong gawin pero hindi ko magawa… Kaya wala akong magawa kahit madami pang ibang dapat gawin.
Ano nalilito ka na?
Kelangan ko umuwi sa bahay namin, kasi uuwi ang mga magulang ko sa Martes, ngunit maraming bagay ang pumipigil sa akin sa pagpunta dun. Ang lugar kung saan naroon ang aming tahanan ay tila isang nakaraan na ayaw ko nang balikan. Malungkot dun, lagi ko naiisip ang pamilya ko kapag naroon ako. Nakaktawa mang isipin peo buhay pa ang aming dalawang aso. Totoo, di ko na sila iniisip, bahala na sila, naawa man ako, ayoko nang umuwi dun. Yung mga bayarin, ayoko na din problemahin. Pero ngayon ako ay nanalangin na sana di pa huli ang lahat. Sa pag-uwi ko bukas baka ako’y maiyak sa aking kagagawan.
Gusto ko sana pumunta ngayon sa isang malayong lugar, isang mapayapang lugar kung saan hindi umuulan, hindi ako nagrereklamo sa ulan pero may oras na talagang nakakapagod kapag umuulan. Tipong maglalakad lang habang sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin. Tawanan, walang hanggang kwentuhan at mga panalangin. Kung kasama ang pag-uusapan, may naiisip akong tao sa oras na ito, pero isa itong illusyon, kaya dapat nang kalimutan.
Kakaiba ako, nakakapagsulat ako ng pagkahaba habang sulatin gayong madami pang iba na dapat unahin. Wala lang nga ba talagang magawa, o may gusto akong gawin pero di makuha…
Isa akong aligaga…
Mag-Tagalog Tayo!
18 Hul 2008 Mag-iwan ng Puna
in akalain mo?
Akalain mong may bago nanaman akong dagdag sa koleksyon ko ng mga blogs?
Kung ang presensya sa web ang pag-uusapan,
ewan ko nga ba kung bakit ganito na ang tipo ng tambayan ko…
At akalain mong magakakaron nanaman ako ng isa pang blog?
Napag-isip isip ko din kasi na bakit nga ba ako masyadong naiinteres sa iba’t-ibang wika
Katulad noong Miyerkules, nagsimula ang pag-aaral namin sa salitang Nihonggo
at napangalanan akong Megumi ng mga kaklase ko
“Watashi namae wa Megumi desu”
“Watashi wa Nihonggo Kyoshitsu e gimasu”
O diba? sabayan mo pa ng Hoch Deutsche na pilit ko pading tinatangkilik
kahit isang semestre ko lang sya inaral, beginner pa…
“Mein name ist Jana und Ich bin dreiundzweizig jahre alt”
“Du bist die liebe meines lebens”
At ang paminsan-minsang pagpulot ng mga Korean phrases
sa mga Koreanong kaklase ko at mga tinututoran…
“Anyong haseyo!”
“Bae Ko pa yo!”
Pagkatapos, mega Ingles pa ako sa mga blog ko,
bakit nga ba wala akong blog na Tagalog?
Mahal ko din ang sarili kong Wika!
kung kaya’t narito ako, isang Pilipino, ang dugo’y maharlika
Simulan natin ang isang pagbabalangkas ng buhay at pag-ibig,
at pang-araw araw na kamalayan…
(In fairness ha, medyo mahirap din pala na mag-Tagalog na puro)
Bilang pagtatapos, ang mahiwagang kaalaman sa araw na ito ay:
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan…
Tae… Hahaha