Mahigit isang buwan nadin ang nagdaan mula nang nagsulat ako dito. Masyadong madaming ginagawa ngayon, kahit na hindi na ako nagtatrabaho. Masaya padin naman ang buhay, pero syempre, di maiiwasan na sabihin minsan: “mas magiging mas masaya sana kung ganyan… o ganito…”
Ngayon araw na ito… nagkaron na ako na kaisipan na sumali sa isang grupo na nais manatiling nag-iisa. Ibig sabihin… ang di na mag-asawa. Ang aking katwiran kasi: bakit ka pa mag-aasawa kung ung gusto mo ay di mo mapapangasawa? hehe. Pasensya naman, tapat ako eh. Kahit mukhang hindi. hehe.
Pero syempre nasabi ko lang yun dala ng hindi ko maisaysay na pakiramdam. Naroon pa ako sa puntong di pa nasasaktan o di pa naapektuhan masyado. Ika nga eh, “PA. PA for Paki ko.” O baka nga nagtagumpay na ako sa paglisan sa mundong puno nang pag-aasam. Isang dekadang puno ng tamis na ako lang ang nakababatid. Isang dekadang nuknukan ng illusyon kung susuriin.
Dalawang bagay ang kelangan kong magawa. Mapatawad ang nakaraan, at tignan ng walang takot ang hinaharap. Mahirap yan, sapagkat sa tulad kong di plastik… di ako makikipagngisngisan o makikiswitswitan kung ikaw ay isang malaking hadlang. bow.
Pero napagtanto ko, na sayang naman ang talino at ganda ko, (Pagbigyan nyo na ko. Moment ko ito) para hindi ito maipasa sa mga salin lahi. Hehe. May mas mainam pa naman na makikita dyan na syang magiging wagas na pag-ibig. Naks.
Kung nauunawaan mo ang alinman sa mga pinagsasasabi ko dito. Ito ay isa nang nakaraan. Kaya katulad ng gawain ko, kung saan ako magaling… lilimutin ko ito. At parang walang nangyari. Kaya limutin mo ha. Pero syempre isinulat ko ito dito para kapag ako ay yumao at pinag aralan ang buhay ko… masasabing nagkaroon ako ng isang dekadang pag-ibig. haha. tama na cheesy na.
Sabi nila habang may buhay may pag-asa.
Pero katulad nga sa pelikulang UP… di laging happy ending.
May bagong pahina na dapat buksan at doon mo matatagpuan-
na marami pang pwedeng maging kasagutan.
Bagong Puna